Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, July 31, 2006

BASKETBALL TOURNAMENT PARA SA MGA HARI NG LANSANGAN!

Hindi naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan upang maisakatuparan ang pagbubukas ng basketball tournament ng mga drivers ng lungsod nitong ika-23 ng Hulyo 2006 sa Rizal Triangle Covered Court.

Pansamantalang iniwan ng mga hari ng lansangan ang kani-kanilang manibela upang lumahok at makiisa sa opening ceremony ng 2006 Mayor’s Cup Olongapo City Drivers Basketball League.

Ang paliga ay kinalalahukan ng ibat-ibang mga transport associations ng lungsod na hinati sa dalawang (2) division.

Ang Public Utility Tricycles’ (Tricycle Division) na kinabibilangan ng anim na sona (zone 1-6) ay magtutunggali sa isat-isa samantalang ang Public Utility Jeepneys’ (Jeepney Division) na kinabibilangan ng pitong (7) assosasyon ang siya ring magtatagisan.

Ang magwawagi sa bawat division ay siya namang magtutunggali sa finals at tatanghaling kampeon ng 2006 Mayor’s Cup Olongapo City Drivers Basketball League.

Ang basketball tournament ay inisyatiba ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na nagbigay ng mensaheng sumentro sa pagdating ng ibat-ibang malalaking international company sa Subic Bay Freeport Zone.

“Ang pagdating at pagbubukas ng tatlong kompanya tulad ng Hanjin Construction and Heavy Industries, Inc., Cojen, China Glass Manufacturing, Co., at ang konstruksyon ng Subic-Clark-Tarlac Road at Subic Seaport ay limang (5) proyektong nangangailangan ng malaking work force,’’ mensahe ni Mayor Gordon.

‘’At sa Olongapo nais kong manggaling ang bulto ng mga manggagawa sa malalaking proyekto na ito. Ang lungsod ay dapat makinabang sa Freeport,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

‘’Dahil ang mga manggagawa ng Olongapo ay world class ang galing, kaya patuloy ang ating isinasagawang mga mga libreng trainings at seminars na dapat samantalahin ninyo. Kahit na kayo ay namamasada dapat ay lumahok kayo sa mga ito,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.

Samantala, nakuha ng Zone - JO1 ang Best in Uniform at tinanghal naman si Ms. Zone - JO6 bilang Miss Sports Fest 2006. Dumating rin bilang suporta sa basketball tournament sina Committee on Transport Chairman Kgd. Cynthia Cajudo, Kgd. Marey Beth Marzan at First Lady Anne Marie Gordon.

Ang tournament na sinimulan nitong ika-23 ng Hulyo 2006 ay magtatapos sa ika-29 ng Hulyo 2006 ay may layuning pag-isahin ang mga drivers sa lungsod ay kasalukuyang ginaganap sa Olongapo City Convention Center.



Naka-line-up ang bawat team na kalahok sa 2006 Mayor’s Cup Olongapo City Drivers Basketball League nitong ika-23 ng Hulyo 2006 sa Rizal Triangle Covered Court. INSET: Pinangunahan ni Mayor Gordon ang Ceremonial Tossing of the Ball bilang hudyat sa pagsisimula ng liga.



0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012