Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, July 31, 2006

PAINTING & ART EXHIBIT SA OLONGAPO CITY MUSEUM

Isang pabulusong painting & art exhibit ang ngayo’y masisilayan sa Olongapo City Museum. Ang mga obra maestrang naka-display ay gawa ng mga miyembro ng samahang KALAGAPOS.

Matapos na makipag-ugnayan kay Mayor James “Bong’ Gordon Jr. ang grupo nitong Hunyo 2006, ngayo’y may resulta na ang adhikain nitong ipakilala ang galing ng mga Olongapeñong visual artists at painters. Ang katatatag na organisasyon ng mga visual artists ng Olongapo City, ngayon ay may painting exhibit nang maipagmamalaki.

Binuksan nitong Lunes, Hulyo 24, 2006 sa Olongapo City Museum ang painting at art exhibit sa isang simpleng programa at ribbon-cutting ceremony. Tunay na mapapa-wow ang lahat sa galing ng pagkakagawa ng mga paintings na hindi aakalaing certified gawang ‘Gapo!

Si Mayor Gordon, na siyang nag-ribbon-cuttting ay namangha sa ganda ng mga paintings. “Ang exhibit sa lobby ng Olongapo City Museum ay paraan para maipakilala at maipakita ang mga likha ng magagaling na Olongapeño sa larangan ng sining,” saad ni Mayor Gordon, “hindi malayong makilala ang ating lungsod bilang tahanan ng mga sikat na Filipino artists tulad nina Malang at Abueva.

“Hindi ako nagkamali sa paniniwalang maraming mga magagaling na pintor at graphic artist sa ating lungsod. At sa tamang pagsuporta sa kanila, mismong lungsod ang makikinabang sa kanilang mga galing,” saad ni Mayor Gordon.

Kaugnay dito ay todo-suporta sa grupo si dating Kgd. Yang Elane na siyang department manager ng Olongapo City Museum. “Magandang venue ang ating museum, sapagkat nagkakaroon ng prestige ang mga paintings kung ito ay maididisplay sa maganda at maayos na venue. Bukod dito, ang mga painting exhibit ay dagdag din na dahilan para dayuhin ang ating City Museum,” saad ni Elane.

Ang larangan ng sining ay isang aspeto na hindi gaanong kilala pa sa ating lungsod. Kung kaya’t malaking hamon para sa grupo ang pasikatin, pasiglahin ang sining at kuhanin ang pagtangkilik ng mga ka-lungsod.


Si Mayor Bong Gordon kasama ang mga miyembro ng “KALAGAPOS” habang tinitignan ang kanilang mga Obra Maestra sa kauna-unahang Art Exhibit dito sa Olongapo City Museum.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012